Isang netizen, humiling sa publiko na isama rin sa kanilang mga panalangin ang Pangulo at kalusugan nito

Kamakailan lamang, ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang open letter para sa publiko at hinikayat niya ang mga ito na sa kabila ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, sana rin ay isama natin sa ating mga dasal ang ating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kalusugan nito.

Ang open letter naman na ito ay ibinahagi sa Facebook ng netizen na si George Montiodora. Sinabi naman niya sa kaniyang letter na mas pagod at stress ngayon ang ating Pangulo kumpara sa kahit na sino dahil na rin sa mga problema na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Hiniling niya rin na sana ay tigilan na ng ilan ang pangbab4tikos at pangba-b4sh sa Pangulo dahil lamang sa maliliit na pagkakamali na nagawa o nasabi nito. Sana lang daw ay makita naman ng lahat ang mga magagandang bagay na nagawa ng Pangulo sa ating bansa.

Naniniwala rin si Montiodoro na hindi naman gagawa ng desisyon si Duterte na ikakasama ng bansa at mga mamamayan na naninirahan dito dahil mayroon na rin itong edad at ayaw niyang mas mahirapan pa ang mga tao sa bansa.

Aniya,

“Please include our President in your prayers for our country guys. He is more stressed than anyone of us. Imagine kung paano siya sinisisi ng marami either di maganda o mabuti ung nangyayari. Sa isang puting pader na natuldukan ng itim na tinta, karamihan sa mga Pilipino doon na nakatingin.”

Dagdag niya,

“Guys, this man will never ever do anything na makakasama sa kahit na sino sa atin. Matanda na siya, mahina, pagod, may mga nararamdaman.”

Sinabi rin ni Montiodoro sa mga netizens na aminin na lamang din nila na mas ligtas sila ngayon dahil na rin sa mga batas at panuntunan na ipinanukala ng Duterte administration.

Ani Montiodoro,

“Kaliwa’t kanang pangbab4tikos, pero aminin nyo, malaking relief sa atin nung siya ang naging presidente. Di ka matatakot maglakad sa kalye sa gabi kasi alam mo na may “Yari ako kay Tatay Digong” na nakatatak kahit papaano sa utak ng mga masas4mang loob sa paligid.”

Dagdag pa niya,

“He chose to fight and serve for his beloved fellowmen. He never complained. He never turned his back even to those people na supposed to be partner nya sana pero walang ginawa. Yun na mismo ung punch line “WALANG GINAWA”. (di ko sinasabing vice president to ah).”

Sa dulo naman ng kaniyang post, hiling naman ni Montiodoro sa mga social media users na sana ay makipagtulungan na lamang sila sa Pangulo imbis na magreklamo.

Saad ni Montiodoro,

“You will see him get tired but you will never see him giving up. His intentions are beyond best. Inaayos nya yung bansang buong buhay nyang nakitang walang pagbabago. Sana makipag cooperate tayo. Kung di nyo kayang tumulong, wag na kayong magreklamo!!! Laban nating lahat to. Kapit-bisig tayo Salamat Tay, kasama mo kami dito.”

Ginawa naman ni Montiodo ang open letter na ito matapos ang mga kaliwa’t kanang b4tikos na natatanggap ng Pangulong Duterte sa ilang mga netizens na patuloy na nagrereklamo sa partial lockdown na inutos ng Pangulo at mga hinanaing nila tungkol naman sa paraan ng pagbibigay ng pahayag ni Duterte sa kaniyang televised address kamakailan lamang.

Inanunsyo naman ni Duterte na sasailalim ang buong Metro Manila sa isang community quarantine sa loob ng isang buwan para na rin maiwasan pa ang pagkalat lalo ng COVID-19 sa bansa.

Ani ng Pangulong Duterte,

“‘Pag hindi kayo nag-cooperate, ah the problem would start and it would start with you and end with you pagka ganun. So ‘yung mga sinasabi na social distancing, sundin lang po ninyo. At ‘yung mga ibinibigay na well ahead ng Department of Health, sundin ho ninyo kung anong sinasabi ng mga doktor kasi sila po ang marunong niyan.”

Loading...